SAMPUNG BANGHAY ARALIN
10 Lesson Plans in Elementary Level
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V
I. Layunin: Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Nakagagawa ng ilustrasyon ng pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Nakikiisa sa mga gawaing may kaugnayan sa paksa.
Nakagagawa ng ilustrasyon ng pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Nakikiisa sa mga gawaing may kaugnayan sa paksa.
II. Nilalaman
1. Paksa: Mga Kaugalian ng mga Sinaunang Filipino
2. Sanggunian: Pilipinas Bilang Isang Bansa p.88-89
3. Kagamitan: PowerPoint, mga larawan, musika ng awiting "Bahay Kubo"
2. Sanggunian: Pilipinas Bilang Isang Bansa p.88-89
3. Kagamitan: PowerPoint, mga larawan, musika ng awiting "Bahay Kubo"
4. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kultura ng ating mga ninuno
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik-Aral
Ang mga tao sa pamayanan ay nahahati sa tatlong antas. Ano-ano ang mga ito? Ilarawan ang uri ng pamumuhay ng bawat isa.
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ano ang napansin ninyo sa kayarian ng mga bahay ngayon?
Tungkol naman sa kasuotan? Ano naman ang napapansin ninyo?
Pagpapakita ng mga larawan.
2. Pagtatalakay
Gawain
Pakikinig ng mahahalagang impormasyon sa tulong ng video record. Pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Mga Tanong:
1. Ano-anong uri ng pamumuhay ang tinitirhan ng ating mga ninuno? Ilarawan ang mga ito.
2. Ang mga tao sa pamayanan ay nahahati sa tatlong antas. Ano-ano ang mga ito?
Ilarawan ang uri ng pamumuhay ng bawat isa.
3. Ilarawan ang pagpapahalaga ng lipunan sa kababaihan.
4. Ginagawa pa ba ang mga ito sa kasalukuyan?
5. Alin sa mga gawi ng mga unang Pilipino ang nakikita pa natin ngayon?
3. Gawaing Pagpapayaman
Pangkatang Gawain
Gawain 1- Pangkatin ang mga bata. Ipasuri ang pagkakapareho ng kagawiang panlipunan sa papamagitan ng Venn Diagram.
Gawain 2- Bumuo ng concept map at itala ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Pag-uulat ng ginawang awput.
D. Paglalahat
Ano ang mga kagawiang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino?
IV. Paglalapat
Iguhit ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang Panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan.
Pagpapahalaga
Ano ang nadarama mo tungkol sa kalagayan panlipunan ng mga unang Pilipino?
Paano mo ito maipapamalas sa iyong kapwa?
V. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti. Piliin at isulat ang titik ng taman sagot.
1. Ano ang tawag sa mga aliping may sariling tahanan subalit ang lupang kinatitirikan nila ay di nila pag-aari.
A. Aliping Sagigilid C.Aliping Namamahay
B. Alipin D. Katulong
2. Sila ay pangkat na kinabibilangan ng mga taong mayayaman at makapangyarihan tulad ng datu, raja, sultan at ang kanilang mga kaanak.
A. Maharlika C. Timawa
B. Alipin D. Aliping Namamahay
3. Payak ang kasuotan ng ating mga ninuno. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaki?
A. Pantalon C. Short
B. Kangan at Bahag D. Saya
4. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Anong panahanan ito?
A. Kweba C. Bahay sa itaas ng puno
B. Bahay Kubo D. Bangkang bahay
5. Ilang antas ang mayroon sa kalagayan ng mga tao noong unang panahon?
A. Tatlo C. Lima
B. Apat D. Dalawa
VI. Takdang Aralin
Ilarawan ang mga sumusunod:
1. Ang kalagayan ng lipunan noong unang panahon.
2. Ang pagkakaroon ng mga alipin.
3. Ang pagpapahalaga sa mga kababaihan.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V
I. Layunin:Natutukoy ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon
Naipapakita ang mga ang mga paniniwala at tradisyon ng sinaunang Pilipino.
Napapahalagahan ang mga paniniwala at tradisyon ng mga Sinaunang Filipino
II. Nilalaman
1. Paksa: Paniniwala at Tradisyon ng mga Sinaunang Pilipino
2. Sanggunian: CG K-12 AP5PLP-LG-8) K-12 Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina88-89
3. Kagamitan: video clip na nagpapakita ng kultura nong sinaunang Filipino, tsart, jumbled letters, powerpoint presentation
4. Pagpapahalaga: Naisasabuhay ang mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na makakatulong sa pagpapaunlad ng pagiging Pilipino.
II. Pamamaran
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik-aral
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga kagamitan ng mga sinaunang Filipino.
C. Paglalahad
1.Pagganyak
Magpatugtog ng isang folksong at hayaang mapakínggan itong mga bata. At pagkatapos mapakinggan ang awitin, sabayan naman ito pamamagitan ng pag-indak ng katawan.
2. Pagtatalakay
Magpanood ng isang video clip na nagpapakita ng kultura ng sinaunang Filipino
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod
1. Ano ang pagkakaiba ng Kulturang Materyal at Kulturang Di-materyal?
2. Bakit kailangang malaman ang kultura ng mga sinaunang Pilipino sa
kasalukuyang panahon?
3. Ano ang kahalagahan ng paniniwala at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino sa kasalukuyang panahon?
3. Gawaing Pagpapayaman
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ibigay sa kanila ang mga gawain(Activity Cards. Bigyan sila ng 15 minuto para tapusin ang gawain.)
Pangkat Luna (Tula)
Panuto: Lumikha ng tula tungkol sa pagkakaiba ng kultura noon at ngayon
Pangkat Rizal (Semantic Web)
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, Isulat ang pagkakaiba at pagkakatula ng kultura noong panahon ng sinaunang Filipino sa kasalukuyang panahon.
Pangkat Bonifacio (Lights, Camera.Action)
Panuto:Magpakita ng tradisyon noong sinaunang panahon.
Pangkat Aguinaldo ([Hataw na)
Panuto: Lumikha ng isang sayaw ,(folkdance) sa awiting Leron,leron Sinta!
D. Paglalahat
Sa papaanong paraan mo maipapakita at maisasabuhay ang mga kultura ng mga sinaunang Pilipino?
IV. Paglalapat
1. Ano ang ang ibig sabihin ng Kultura?
2. Ano ang pagkakaiba ng Kulturang Materyal sa Kulturang Di-materyal?
3. Anu-ano ang mga paniniwala at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino?
V. Pagtataya
Tukuyin ang mga sumusunod na salita kung ito ay Kulturang Materyal o Kulturang Di-materyal. Isulat sa sagutang papel ang KM para sa kulturang materyal at KDM kung ito ay kulturang di- materyal.
1. Relihiyon
2. Pamahalaan
3. Tahanan
4.Panitikan
5. Palayok
VI. Takdang Aralin
Talakayin ang mga sumusunod sa malinis na papel.
1. Ang kulturang material ng mga sinaunang Pilipino.
2. Ang kulturang di-materyal ng sinaunang Pilipino.
3. Ang mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Pilipino.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V
I. Layunin: Natatalakay ang hanapbuhay nang mga Sinaunang Pillpino.
Naihahambing ang mga hanapbuhay noon at sa kasalukuyang pananon
Nabibigyang halaga ang mga hanapbuhay ng mga Sinaunang Pillpino
II. Nilalaman
1.Paksa: Pagtatalakay sa Hanapbuhay nang mga Sinaunang Pilipino
2.Sanggunian: Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino
3.Kagamitan: Mga larawan ng hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino,laptop, kartolina at tsart.
4.Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino
III-Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B.Balik-aral
Bakit mahalaga ang mga batas sa pag uugnayan ng mga Plipino ? o ipinatutupad sa mga mamamayan ?
C. Paglalahad
1. Pagganyak (Video)
Manuod ng video na may kinalaman sa paksang tatalakayin
"Mga Hanapbuhay ng mga Sinaunang Plipino"
2. Pagtatalakay
Itanong:
1. Ano-anong mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ang inyong napanood sa video.
2 .Ano ang dalawang paraan ng pagsasaka?
3. Sa inyong palagay, madali ba ang mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ?
4. Paano natin pahalagahan ang mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ?
3. Gawaing Pagpapayaman
Pangkat Luna-Lumikha ng awit o tula
Ano anong pagkain ang makukuha mula sa iba't- ibang anyong tubig ?
Pangkat Rizal -(Semantic Web) Isulat sa bawat strand ang mga produktong makukuha sa pagsasaka at pangingisda
Pangkat Bonitacio- (Awitin Mo, Isasayaw Ko)
lbahin ang titik ng awitin at iangkop sa kasalukuyang pamumuhay ng mga magsasaka."Magtanim ay Di Biro"
Pangkat Aguinaldo - Venn Diagram
Paghambingin ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino noon sa hanapbuhay. Noon at Ngayon
IV.Pagtataya
Sagutin ng Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi wasto.lsulat sa papel ang sagot.
__________1.Pagsasaka, Pangingisda at Pangangaso ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.
__________2. May dalawang paraan ang pagsasaka noon, ang pagkakaingin sa kabundukan at pagpapatudig sa kapatagan.
__________3.Noong panahon ng mga sinaunang Pilipino, ang pagmamay ari ng lupa ay nakabatay sa yaman at pakinabang dito.
__________4.Panday ang tawag sa mga sinaunang Pilipino na mahusay gumamit ng sandata mula sa bakal, asero at tanso.
__________5.Ang pagtotroso at paggawa ng bangka ang pangunahing industiya ng mga sinaunang Pilipino.
V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng iba't-ibang uri ng hanap buhay ng mga sinaunang Pilipino.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V
1. Layunin: Naipapaliwanag ang uri ng Kima ng bansa sa lokasyon nito sa mundo.
Nauugnay ang uri ng kima at panahon ng bansa ayon sa lokasyon nito sa mundo.
Nauunawaan ang uri ng klima ng bansa sa lokasyon nito sa mundo.
II. Nilalaman
1.Paksa: Klima at Panahon
2. Sanggunian: AP5PLP-Ib-c-2 AP4-Makabayang Pilipino dd 45-51
3. Kagamitan: mga larawan, mapang pangklima ng mundo, tsart para sapagtataya, musika ng
awiting"Magtanim Ay Di Biro"
4.Pagpaparalaga: Pagmamahal sa Kalikasan/disiplina sa sarili
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik-Aral
Ano-ano ang uri ng Kima na nararanasan ng ating bansa?
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ipaawit ang magtarim ay di Biro.
2. Pagtatalakay
Itanong:
- Bakit sinasabi sa awitin na ang magtanim ay di biro?
- Anong panahon nagtatanim ang mga magsasaka?{tag-ulan)
- Bakit sa ganitong panahon siła nagtatanim?
3. Gawaing Pagpapayaman
Magpaskel ng ilang impormasyon sa pisara tungkoi sa pagkakaiba-iba ng klima.lpabasa ito sa mga mag-aaral. Ibigay ang Activity Cards sa rnga lider. Bigyan sila ng 5 minuto upang matapos ang gawain.
1. Gawain (Activity)
Pangkat 1(Ladder Mapping)
Itala sa ladder map ang mga tokasyon na tumatanggap ng ibat ibang uri ng klima o panahon. Ipaturo ito sa mapang pangklima ng mundo at ilarawan ang uri ng klima.
Pangkat 2 (Discussion Mapping)
Ano- ano ang mga bansang nasa mababang Latiud. Anong uri ng klima ang nararanasan ng nasa bahaging ito. Ilarawan.
Pangkat 3 -(awit RAP)
llarawan ang rehiyong Pałar sa pamamagitan ng rap na awitin.
Pangkat 4 (Tula)
Gumawa ng isang ftula na nagpapakita ng katangian ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal
D.Paghahalaw
Ang uri ng kima o panahon ng bansa ay may kaugnayan sa lokasyon nito.
Ang Pilipinas ay nasa bahaging mababang latitude,na bansang Tropikal Nakakaranas tayo ng mahalumigmig, basa at tuyong panahon o kima.
E. Aplikasyon
Ang bansang Pilipinas ay bahagi ng bansang iropicał na kung saan mainit, tuyo at may mahałumigmig na panahon, bahagi ba ng klima ng bansa ang pagkakaroon ng Global Warming? Paano natn maiwasan ang ganitong phenomena?
V. Pagtataya
Basahin ang mga pangungusap. isutat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap ayon sa kaugnayan ng klima sa lokasyon nito at isulat ang M kung malt ang isinasaad ng pangungusap.
_________1. Nakararanas ng matnding sikat ng araw ang mga bansa na nasa mababang latitude.
_________2. Ang mga bansang nasa rehiyong Polar ay nababalutan ng makakapal na yelo ndanil hind natatamaan ng direktang sikat ng araw ang bahaging ito.
_________3. Ang Pipinas ay kabilang sa bansang tropical kung saan nakararanas ng mahalumigmig,basa at tuyong panahon.
V. Takdang Aralin
Magdala ng Mapa ng Piipinas
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V
I. LAYUNIN: Naipapaliwang ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon.
Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon
Nauunawaan angkahalagahan ng relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid ditto gamit ang pangunahing direksiyon
II. NILALAMAN:
1. Paksa: Pagtukoy sa relatibong lokasyon ng bansa batay sa karatig bansa gamit ang pangunahing direksyon.
2. Sanggunian: Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino 5 pp. 14 Araling Panlipunan4 (K-12) p.9
CG K12 AP4G5Q1A1.1.3 p. 2
3. Kagamitan: World Map / Asia Map
4. Pagpapahalaga: Nabibigyan pansin at napapahalagahan ang mga karatig bansa ng Pilipinas
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik- Aral (paper & pen)
Kuhanin ang mapa at ituro ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas base sa guhit latitud at longitud ?
C. Paglalahad
1. Pagganyak (YouTube The Cardinal Direction Geography Song)
Magpanood ng Video tungkol sa relatibong lokasyon
2. Pagtatalakay
Magpakita ng Asian Map, itanong sa mga bata kung anong bansa ang nasa Hilaga, Timog, Silangan at Kanlurang bahagi ng Pilipinas.5
Anong bansa ang nakapaligid sa Pilipinas sa dakong:
Hilaga, Silangan, Timog, Kanluran
Ano ang apat na pangunahing direksyon?
Ano ang ibig sabihin ng relatibong lokasyon?
D. Aplikasyon (Optional Two Think Pares)
Kung bibigyan ka ng pag kkataon makapunta sa karatig bansa ng Pilipinas saan mo nais magtungo sa hilaga, sa kanluran, sa silangan o sa timog at saang bansa ito?
IV. Pagtataya
A. Panuto: Isulat sa patlang ang H kung gawaing hilaga, S kung sa Silangan, T kung sa Timog at K kung sa Kanluran ng Pilipinas makikita ang mga karatig bansa ng Pilipinas. Gawin ito sa sagutang papel.
_________1. Dagat Celebes
_________2. Vietnam
_________3. Taiwan
_________4. Indonesia
_________5. Pacific Ocean o Karagatang Pasipiko
V. Takdang Aralin
1. Iguhit ang inyong silid tulugan. Iguhit ang mga bagay na makikita a gawing Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran.
2. Maghanap / Magbasa ng balita tungkol sa mga pangyayari sa karatig bansang Pilipinas. Maghanda para sa pag-uulat bukas.
BANGHAY ARALIN SA ESP IV
I. Layunin: Naipapaliwanag ang katotohanan anuman ang maging bunga nito.
Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito.
Napapahalagahan ang katotohanan anuman ang maging bunga nito.
II. Paksa: Aralin 1: Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko (Alamin Natin)
III. Mga Kagamitan: Curriculum Guide 4 /TG p.3/ LM p.
IV. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik-aral
Word Puzzle Game
C.Pagganyak:
Ipakita ang larawan na nagpapakita ng lakas ng loob.
D. Paglalahad:
Ipabasa ang kuwentong "Roniel M. Lakasloob, ang Pangalan ko!"
E.Pagtatalakay
Isa-isahin ang mga katangian ng pangunahing tauhan sa kuwento.
llarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan.
Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase
F. Pagpapayamang Gawain
Bigyang diin at pokus ang pagpapahalaga sa lakas ng loob sa kuwento.
Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.
G. Paglalapat
Paano mo naipakita ang lakas ng iyong loob sa unang araw ng pasukan?
H. Paglalahat
Bakit kahanga-hanga ang tauhan sa kuwento?
Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.
IV. Pagtataya
Sagutin at isulat sa kuwaderno ang inyong sagot.
Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao?
BANGHAY ARALIN SA EPP 4
I.Layunin: Nakikilala ang matatagumpay na entrepreneur sa bansa.
Napapahalagahan ang mga kwento ng pag-asenso na naranasan sa pamamagitan ng indibidwal at sam samang pagkilos.
Natitiyak ang mga pamamaraang maaaring gawin para sa maunlad na negosyo.
II.Paksang Aralin
1. Paksa: Matagumpay na Entrepreneur sa ating Bansa
2. Sanggunian: Batayang aklat sa edukasyong pantahanan at pangkabuhayan
3. Kagamitan: Mga larawan, aklat, powerpoint
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pag-aayos ng silid.
B. Balik-aral
Itanong :May kilala ba kayong mga matagumpay na mga entrepreneur sa ating bansa? At paano ba nila ito napagtagumpayan.
C. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga entrepreneur.
Itanong: Kilala niyo ba ang mga nasa larawan?
D. Pagtatalakay
Ang Mga Matagumpay na Entrepreneur
- Eduardo"Danding" Coluanco
- Lucio Tan
- Lolita Hizon
- Cecilio Pedro
-Alfredo Yao
-Socorro Ramos
-David Consunji
- John Gokongwei Jr.
-Manny Villar
- Henry Sy
E. Pagpapalalim ng kaalaman
Ayon kay Dr. Stephen Krauss., dapat daw nating tandaan ang 5 elemento ng tagumpay
1. Vision
2. Estratehiya
3. Tiwala sa sarili
4. Tiyaga
5. Pagtutuwid sa pagkakamali
H.Paglalahat
Tandaan:
Hindi sagabal ang kahirapan upang maging matagumpay sa buhay. Maaaring indibidwal o sama-samang pagkilos ang susi sa tagumpay. Ang tagumpay ay hindi batay sa suwerte kundi sa ilang hakbang na maaaring gawin ng indibidwal o grupo.
I. Paglalapat
Kung ikaw ay isang entrepreneur anong negosyo ang iyong sisimulan? Anong element ng tagumpay ang iyong isaalang-alang at bakit??
IV.Pagtataya
Sagutan ang GAWIN NATIN na matatapuan sa pahina 26-27
V. Takdang Aralin
Maghanda para sa pagsusulit bukas. Pag-aralan ang mga aralin sa Entrepreneurship.
Comments
Post a Comment